Popular Posts

Saturday, May 26, 2012

Sa kabila ng lahat


Pinili kita maging tutol man ang lahat
Kahit kasalanan mo'y kasing kapal na ng aklat
Mga galit ko man sayo'y 'di na masukat
Mahal pa rin kita sa kabila ng lahat

Damdamin ko ma'y patuloy mong sinasaktan
Nandito pa rin ako patuloy kang pinapahalagahan
At kahit alam kong pagmamahal mo'y di sapat
Mahal pa rin kita sa kabila ng lahat

Maraming beses man akong umiyak
Puso ko man ay paulit-ulit mong winawasak
Patuloy akong babangon sa pagbagsak
Mahal pa rin kita sa kabila ng lahat

Puso ko'y patuloy na nagdurusa
Dahil umaasa kahit tila wala ng pag-asa
Magmuka man akong tanga
Mamahalin pa rin kita sa kabila ng lahat.




No comments:

Post a Comment